5 bagong Blackhawk chopper, dumating
MANILA, Philippines — Dumating sa bansa ang limang bagong Blackhawk helicopters na nadagdag sa Philippine Airforce matapos na pasinayaan na pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes.
Ang limang S-70i Black Hawk helicopters na ibinigay ng Estados Unidos ay pormal na tinurn-overng Polish Charge d’ Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz sa PAF.
Ayon kay Lorenzana, ang mga helicopters ay dagdag sa Black Hawk fleet ng PAF at malaking tulong sa heli-lift capability ng AFP.
Pinasinayaan din kahapon ang apat na Scan Eagle Unmanned Aerial Vehicles na binigay ng Amerika sa PAF.
- Latest