P7 milyong halaga ng ecstasy nasamsam
MANILA, Philippines — Nasa 3,865 piraso ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P7 milyon galing Germany ang nasamsam sa Central Mail Distribution Center, Pasay City.
“Initial examination of the parcel revealed 2 improvised pouches which contained a total of 3,865 hexagon tablets later verified and confirmed as ecstasy tablets,” ayon kay Port of Manila District Customs Collector Mimel Talusan.
Sinabi pa ni Talusan, na ang mga nakumpiskang ecstasy ay inilipat na sa pag-iingat ng PDEA.
Hindi muna nagbigay ng ibang detalye si Talusan habang iniimbestigahan ang kasong ito.
- Latest