Jake Cuenca, laya na kinasuhan sa piskalya
MANILA, Philippines — Nakalaya na ang actor na si Jake Cuenca, subalit ito ay sinampahan na ng kaso sa piskalya.
Ito ang sinabi ni Eastern Police District (EPD) director, PBGen Matthew Baccay at pinabulaanan ang mga naglabasang ulat na hindi nila sinampahan ng kaso si Cuenca.
Ipinaliwanag din ni Baccay na dahil minor offense lang ang kaso ni Cuenca ay kailangan nila itong i-release mula sa kanilang kostudiya dahil lumampas na ang reglamentary period dito na 12 oras.
Kinumpirma ni Baccay na kahapon ng umaga nang nasampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting in damage to property at disobedience to agents in authority si Cuenca matapos na banggain at takbuhan ang police car ng Mandaluyong police.
- Latest