^

Police Metro

Bagyong Nando,papasok sa Pinas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Papasok ngayong araw ng Sabado ang bagyong Nando, ang ika -14 na bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ito ang iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Namataan kahapon ng alas-10:00 ng umaga, si Nando ay nasa labas ng PAR sa layong 1,805 kilometro ng silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras.

Si Nando ay inaasahang kikilos pakanluran hilagang kanluran.

Sa susunod na 36 oras, inaasahang magsasanib si Bagyong Nando at Bagyong Maring at kikilos sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanlurang bahagi ng bansa.

Si Nando ay hindi pa kinakikitaang direktang makakaapekto sa weather condition ng bansa sa susunod na 36 oras.

vuukle comment

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with