^

Police Metro

Pangulo ng samahan ng jeepney driver, todas sa tandem

Mer Layson - Pang-masa
Pangulo ng samahan ng jeepney driver, todas sa tandem
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jessie Dela Cruz, 46, operations manager ng UPV Trucking and Hauling Service, presidente ng isang asosasyon ng mga jeepney driver at residente ng 102 Norzagaray Road Sta. Maria, Bulacan.

MANILA, Philippines — Isang lalaki na pangulo ng isang jeepney drivers’ association ang nasawi nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang papauwi na sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jessie Dela Cruz, 46, operations manager ng UPV Trucking and Hauling Service, presidente ng isang asosasyon ng mga jeepney driver at residente ng 102 Norzagaray Road Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-8:00 ng gabi sa East Service Road sa Brgy. Unang Sigaw, sa Balintawak ay sakay ng pulang Mitsubishi Adventure (NAS-4945) ang biktima mula sa isang birthday party.

Habang binabagtas ang kahabaan ng East Service Road ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng mga suspek at dinikitan ang sasakyan ng biktima at saka pinagbababaril.

Kahit sugatan ay napatakbo pa ng biktima ang sasakyan upang tumakas sana ngunit hinabol pa rin ng mga suspek at muling pinaputukan bago humarurot palayo sa lugar.

vuukle comment

KRIMEN

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with