PNPA director sinibak sa pagkamatay ng kadete
MANILA, Philippines — Kasunod ng pagkasawi ng kadete dahil sa umano’y hazing ay sinibak na ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang director ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Papalitan ni Police Maj. Gen. Alex Sampaga si Police Maj. Gen. Rhoderick Armamento bilang PNPA Director epektibo bukas, Setyembre 29.
Ang dalawa ay kapwa produkto ng PNP, si Armamento ay nagtapos noong 1990 habang si Sampaga ay nagtapos noong 1989.
Ang kautusan ni Eleazar ay kasunod ng pagkasawi ni Cadet 3rd Class George Carl Magsayo matapos na umano’y pagsusuntukin ng kanyang upperclassman, Cadet 2nd Class Steven Ceasar Maingat.
Inaasahang isasampa ang kasong paglabag sa Anti-Hazing Law resulting in Homicide laban kay Maingat.
Nauna nang iniatas ni Eleazar ang pagbusisi at pagrepaso sa polisiya ng PNPA.
- Latest