^

Police Metro

Face shields may shelf life rin — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag kahapon ng Department of Health (DOH) na ang medical grade face shields ay may shelf life rin o  nae-expire subalit ito ay hindi kapareho ng ibinebenta sa publiko o para sa community use.

Sagot ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa naging katanu­ngan ng ilang social media user noong Biyernes sa Senate Hearing matapos maibunyag ng isang testigo na ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ay nagre-repack ng sub-standard na face shield at pinapalitan ang expiry date na dinadala nila sa ahensya na siya namang

 “Just like any medical commodity, mayroon din pong tinatawag na shelf life. Ito pong face shields na binibili namin is not for the community. Ito pong mga face shield na ito na maaaring magkaroon ng deterioration over time... mayroon po siyang foam na nakadikit diyan para hindi masakit sa noo ng ating healthcare workers. Ito pong foam na ito over time, nag-pupulverize po ‘yan, nadudurog. ‘Yung iba nagdi-discolor po ‘yan,” dagdag pa ni Vergeire.

Gayunman, sinabi ng DOH na kahit na expire o lagpas na sa shelf life, mas importante tingnan ang kalidad ng face shields upang mapigilan na mahawaan ng sakit ang health care workers.

“Kailangan siyempre kumpleto at maayos ang maibibigay natin sa kanilang mga gamit para sila ay protektado sa sakit,” aniya.

Matatandaang ang isang tauhan sa bodega ng  Pharmally na tuma­yong testigo sa pagdinig sa Senado ang nagbunyag na ang management ang nag-uutos sa kanila na palitan ang certificate stickers ng  face shields na may tatak na 2020  sa 2021, na bahagi ng deli­very  na inorder ng DOH.

Dagdag pa ng testigo, may mga naninilaw na na face shields, mga nayupi at may mababang kalidad at ang ilan ang marurumi ang kanilang nire-repack.

Ang Pharmally, ay nahaharap sa imbestigasyon ng Senado dahil sa overpriced ng personal protective equipment na isinuplay sa DOH sa gitna ng pandemya.

vuukle comment

DOH

FACE SHIELD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with