^

Police Metro

Dalhin pa rin ang face shield - DILG

Angie dela Cruz - Pang-masa
Dalhin pa rin ang face shield - DILG
“Mas maganda magdala pa rin ng face shield, ’yun nga lang hindi na naman natin kailangang isuot ito most of the time kung tayo ay nasa outdoor setting,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Magdala pa rin ng face shield para maging handa sa pagkakataong kinakailangang suotin ito.

Ito ang paghihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko.

“Mas maganda magdala pa rin ng face shield, ’yun nga lang hindi na naman natin kailangang isuot ito most of the time kung tayo ay nasa outdoor setting,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

“Kailangang magdala po tayo kasi hindi natin alam kung saan tayo pupunta. For example, pauwi na tayo tapos sabihin natin bibili tayo ng gamot so hindi tayo papapasukin ng guard kung wala tayong face shield dahil magiging closed at crowded area yung pupuntahan natin,” dagdag pa ni Malaya.

Sa ngayon, nagpupulong na ang sub-technical working group at Department of Health para gumawa at isapubliko ang isang madaling maintindihan na guidelines sa pagsusuot ng face shield, giit ni Malaya sa interbyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with