^

Police Metro

Guro utas, anak sugatan sa saksak

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 40-anyos na guro habang malubhang nasugatan ang anak nito nang pasukin ang kanilang bahay ng hindi pa kilalang salarin at pagsasaksakin, naganap kamakalawa sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Maria Cristina Nisperos, 40, habang ginagamot naman sa ospital ang anak nitong si Aravani, 20, estudyante at kapwa residente sa Barangay Terece, San Carlos, Pangasinan.

Sa salaysay ni Aravani sa pulisya, alas-3:00 ng madaling araw ay mahimbing silang natutulog na mag-ina nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang bahay at kaabog-abog na sila ay pagsasaksakin na agad ikinamatay ng kanyang ina.

Tinangka ni Aravani na awatin at lumaban sa suspek, subalit siya rin ay pinagsasaksak.

Nang makita silang duguan, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with