‘Online kopyahan’ iimbestigahan ng PNP
MANILA, Philippines — Nakatakdang paiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang ulat ng Department of Education (DepEd) sa umano’y pangongopya ng sagot ‘online’ ng mga estudyante sa kabila ng ipinatutupad na distance learning scheme.
Base sa report, may grupo sa Facebook ang ilang estudyante at nagkokopyahan ng kanilang mga sagot sa exam at sinasamantala ang online classes.
Labis itong ikinabahala ni DepEd Sec. Leonor Briones kaya’t humingi na ito ng tulong sa PNP upang alamin ang grupo na responsable dito.
Giit naman ni Eleazar, dapat ay binabantayan at ginagabayan pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mapanatili ang tamang edukasyon.
- Latest