^

Police Metro

Cayetano pinatatakbong pangulo ng mga pastor at pari

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkaisa ng panawagan ang daang-daang pastor at pari ng simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa kay da­ting Speaker Alan Peter Cayetano na tumakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Sa isang bukas na liham kay Cayetano noong Setyembre 16, sinabi ng 588 na pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan na kay Cayetano nila nakikita ang isang lider na ka­yang hikayatin ang mga Pilipino na manalig sa kapangyarihan ng pa­nanampalataya sa gitna ng iba’t ibang krisis.

Ang mga pumirma ay galing sa 562 simbahan, at ang bilang nila ay inaasahan pang lalago habang umiikot ang liham sa iba pang mga simbahan sa buong bansa.

Ayon kay Pastor Raul Limpiado ng Catarman Temple of Praise International sa Catarman, Samar, kailangan ng bansa ng isang lider na may takot sa Diyos at gagawin ang Kanyang kalooban lalo na sa kasalukuyang panahon ng ligalig.

Sinabi kamakailan ni Cayetano na nais niyang magsulong ng isang faith-based, values-oriented, at Bible-centered na pamumuno sa papara­ting na eleksyon.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with