^

Police Metro

Anak ng mayor patay sa salpok ng trak

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang anak ng mayor habang nasa kritikal na kalagayan ang kasama nito matapos salpukin ng delivery trak ang kanilang mga motorsiklo kamakalawa ng gabi sa crossing ng Racelis Avenue, Barangay 8, Lucban, Quezon.

Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at katawan sanhi upang malagutan ng hininga dakong alas-12:45 ng madaling araw sa ospital si Guitahm Oli Dator, 17, binata, anak ni incumbent Lucban Mayor Olivier Dator at residente ng Barangay Palola.

Kasalukuyan namang inoobserbahan dahil sa tinamong mga sugat sa katawan at ulo ang LGU employee na si Sydney Mykel Ramos, 20,binata ng Barangay 8.

Batay sa inisyal na ­imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9:40 ng gabi ay minamaneho ni Dator ang isang kulay dilaw na Yamaha Mio at sumusunod sa kanya si Ramos na minamaneho naman ang isang Kawasaki Rauser.

Habang binabagtas ng mga biktima ang crossing ay inararo sila ng Tayabas City bound na Elf truck na minamaneho ni Brian Abana, 32, ng Candelaria, Quezon.

Sa lakas nang pagkasalpok ay nagsitalsikan ang dalawang biktima na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital habang naaresto ang driver ng elf.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with