^

Police Metro

12-17-anyos pwede nang turukan ng Moderna vaccine

Ludy Bermudo - Philstar.com
12-17-anyos pwede nang turukan ng Moderna vaccine
A vial of the Moderna coronavirus vaccine for COVID-19 is seen at an inoculation venue at Haneda Airport in Tokyo on June 14, 2021 on the first day of the company's workplace vaccination campaign.
AFP / Kazuhiro Nogi

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga 12 hanggang 17-anyos gamit ang Mo­derna vaccine.

Inianunsyo kahapon ng Food and Drugs Administration (FDA) na inamyendahan nila ang ibi­nigay na Emergency Use Authorization (EUA) sa Moderna COVID-19 vaccine kung saan isinasama na pwedeng mabakunahan ang 12-17 anyos.

“After a thorough evaluation by our vaccine experts and our regulatory experts in FDA, we approved this Friday the use under EUA of the Moderna vaccine for adolescents aged 12 to 17,” ani Director General Eric Domingo sa Laging Handa public hearing.

Una nang nakakuha ang US-made Moderna vaccine ng EUA sa FDA at mu­ling naghain ng aplikasyon noong Agosto 19, 2021 sa inamyenda­hang EUA para payagang magamit ding iturok sa edad 12-17.

Ayon pa kay Domingo na posibleng sa last quarter  ng taon ay masimulan na rin ang pagbabakuna sa mga kabataan, gayunman nagbabala ito sa epekto ng bakuna na nagkaroon na umano ng ilang kaso ng myocarditis (inflammation of the heart muscle) dahil sa Moderna vaccine.

Tiniyak pa ni Domingo na ang idineliber  na Mo­derna doses sa Pilipinas ay hindi kabilang sa batches na iniimbestigahan sa Japan dahil sa posibleng kontaminasyon.

Hintayin na lamang ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH)  kung maaari nang mag-aplay ang mga kabataan para mabakunahan.

Mild lamang aniya, ang side effects ng Moderna sa adolescents kumpara sa adults na makakaranas lamang ng mild pains at lagnat.

 

Related video:

vuukle comment

MODERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with