^

Police Metro

6 miyembro ng pamilya sa Cebu, patay sa sunog

Doris Franche - Pang-masa
6 miyembro ng pamilya sa Cebu, patay sa sunog
Kinilala ang mga nasawi na sina Dan Henry Carvajal, 3; Andre Carvajal, 6; Felicity Sachi Carvajal, 12; Lyka Carvajal, 16; Hannah Mae Carvajal, 34; Ivan Mejia, 58, PWD’s, habang nawawala si Lilian Carvajal, 72.
File

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng pamilya ang natagpuang bangkay na magkakayakap matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Brgy. Sta. Cruz, Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dan Henry Carvajal, 3; Andre Carvajal, 6; Felicity Sachi Carvajal, 12; Lyka Carvajal, 16; Hannah Mae Carvajal, 34; Ivan Mejia, 58, PWD’s, habang nawawala si Lilian Carvajal, 72.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-Cebu City, alas-2:00 ng hapon nang magsimulang lumiyab ang bahay ng mga biktima sa compound sa Arlington Pond, Barangay Santa Cruz, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang may sumabog sa bahay ng mga biktima at mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin sa kalumaan ng bahay.

Napag-alaman na iisa lamang ang labasan at pasukan sa naturang compound kaya posibleng na-trap ang mga biktima at hindi na nakalabas pa ng kanilang bahay.

Tuluyan namang naa­pula ang apoy ng mga tauhan ng pamatay-sunog bandang 3:41 ng hapon at natagpuan ang mga sunog na bangkay na magkakayakap.

Umabot na sa P11.2-M ang tinupok na mga ari-arian at inaalam na ngayon ang tunay na pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with