^

Police Metro

Nurses ‘di nakatanggap ng buong P5K allowance

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Filipino Nurses United (FNU) na hindi umano totoong nakatatanggap ng buong P5,000 special risk allo­wance (SRA) kada buwan ang mga nurses na nagtatrabaho sa paglaban sa CO­VID-19 dahil sa idinidepende pa ito sa bilang ng araw ng kanilang duty.

“Hindi totoong P5,000. Hindi ipinaliwanag ng Department of Budget and Management na itong P5,000 ay idi-divide sa 22 araw kaya papatak na P227, tsaka imu-multiply sa bilang ng aktuwal na duty days,” wika ni FNU secretary-general Jocelyn Andamo.

Sinabi ni Andamo na nakakatanggap sila ng mensahe na ilang mga nurses ay nakakakuha lamang ng P2,000 hanggang P3,000 SRA para sa anim na buwan na pagdu-duty.

Hindi umano sapat ang inilabas ng DBM na P311 milyon na para lamang sa SRA ng 20,000 healthcare workers at mismong si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagsabi na may 1.8 milyong healthcare workers sa bansa.

Inakusahan pa ni Andamo na hindi tinutupad ng DOH ang nakasaad sa batas na isailalim sa COVID-19 test kada dalawang linggo ang mga healthcare workers at hindi rin nabibigyan ng benepisyo kapag di­nadapuan ng virus.

Itinanggi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega ang mga akusasyon at iginiit na mula nitong Hunyo ay ibinibigay na nila ang SRA at aabot sa 379,000 healthcare wor­kers na ang nakatanggap.

vuukle comment

ALLOWANCE

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with