^

Police Metro

Limang miyembro ng pamilya, kinatay ng ‘akyat-bahay’

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng pamilya ang pinatay sa saksak ng tatlong mi­yembro ng ‘akyat-bahay’ na pumasok sa kanilang bahay, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy.Tinapian, Baleno, Masbate.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Adela Adique Cortes, 67; Jesus Dino Adique, 70; Jennifer Cortes Adique, 40; magkapatid na Joyce Adique Albis, 17; at Kristelle, 14. Habang nasugatan ang isang “Nika”, 13-anyos.

Agad naaresto ang isa sa tatlong suspek na itinago sa pangalang “David”, 16 na napag-alamang kaanak ng  mga biktima.

Sa ulat, alas-8:15 ng gabi ay mahimbing na na­tutulog ang mga biktima nang pasukin ng tatlong suspek at dito ay kinuha ang cellphone nina Joyce at Kristelle, pero nagi­sing ang huli at nakita ang ginagawang pagnanakaw ng mga suspek.

Sa takot ng suspek na sila ay makilala ay pinagsasaksak nila ang mga biktima hanggang sa mapatay habang kahit sugatan ay nakapagtago si Nika.- Doris Franche

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with