^

Police Metro

Bulkang Taal nagtala ng 142 pagyanig

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal at nananatiling nakataas ang Alert Level 2 rito.

Batay sa ulat ng Phivolcs, naitala ang 142 pag­yanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa bilang ng pagyanig, 125 rito ay volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 40 minuto habang 16 ang 16 low-frequency volcanic earthquakes, isang hybrid event, at low level background tremor.

Umabot naman sa 2,400 metro ang taas ng plumes na inilalabas ng bulkan na may direksyong kanluran-timog-kanluran at hilagang-kanluran.

Naglabas din ito ng 5,973 tonnes ng sulfur dio­xide at nakitaan ng vog ang paligid ng bulkan.

Patuloy na babala ng ahensya na maging alerto sa posibleng pagsabog ng bulkan. Pinagbabawal pa rin ang pagpunta sa isla at pamamangka sa lawa.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with