Bulkang Taal muling nagbuga ng usok
August 12, 2021 | 12:00am
MANILA, Philippines — Matapos ang 16 araw na pananahimik ay muling nagbuga kahapon ng usok ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa tala ng PHIVOLCS noong Agosto 9, naglabas ito ng 3,849 tonelada ng sulfur dioxide flux kada araw.
Nakapagtala rin ng 107 volcanic earthquakes dito sa loob ng huling 24 oras na obserbasyon.
“Alert Level 2 currently prevails over Taal Volcano,” paalala ng PHIVOLCS.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended