^

Police Metro

116 pang Delta variant case, natukoy

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayon sa Department of Health (DOH) na natukoy ng Philippine Genome Center (PGC) ang nasa 116 pang bagong Delta variant (B.1.617.2) kaya’t umakyat na sa 331 ang kabuuang kaso sa Pilipinas.

Base sa resulta ng ‘whole genome sequencing’ ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), sa 116 bagong kaso ay 95 ang mga lokal na kaso, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), at 20 ang bineberipika pa.

Sa 95 na lokal na kaso, 83 dito ay mula sa National Capital Region (NCR), tatlo ang mula sa Calabarzon, apat mula sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region at tig-iisa ang Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at Ilocos Region.

Lahat naman ng mga bagong kaso na nadagdag ay pawang mga nakarekober na.

Patuloy rin na kinukumpirma pa ang ibang mga detalye ng mga pasyente.

Samantala, 113 bagong kaso rin ng Alpha variant ang nadagdag dahilan para maitala ang kabuuang kaso nito sa bansa sa 1,968.

Nasa 122 bagong kaso rin ng Beta variant ang natuklasan para maitala ang kabuuang kaso sa 2,268 habang 10 pang bagong kaso ng P.3 variant ang nadagdag.

Sa kabila na hindi pa pormal na idinideklara na may ‘community transmission’ na ng Delta variant ay umaaksyon na ang DOH sa pagkakaroon na ng community transmission upang maapula pa ang pagkalat nito.

vuukle comment

DOH

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with