^

Police Metro

Drug raid: Chinese utas sa P510 milyong shabu

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang Chinese national nang ito ay makipagbarilan sa mga otoridad nang salakayin ang isang warehouse sa Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Wu Zishen, 50 habang nakatakas ang kasamahan nitong si alyas Chen Hongli.

Sa ulat, alas-5:40 ng hapon nang magkasa ng operasyon ang PDEA at Bulacan police sa Warehouse No.3 Grand SG Summit Development Corp., Compound sa nasabing barangay na kung saan ay nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal.

Sa halip na sumuko ay bumunot ito umano ng baril at nakipagbarilan na kung saan ay gumanti ng putok ang mga otoridad na siya nitong ikinamatay.

Nasamsam sa suspek ang 75 kilo ng shabu na nakalagay sa green tea bag at nagkakahalaga ng P510 milyon, Cal.45 pistol, dalawang cellphone at buy-bust money.

Nauna nang iniulat ng PDEA na tatlong Chinese nationals ang naaresto nila sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Bartolome sa Novaliches, Quezon City, na nagresulta rin sa pagkakumpiska ng 127 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P863.6 milyon. - Mer Layson

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with