Duterte pinahanap ang DBM ng ayuda sa ECQ
MANILA, Philippines — Dahil sa isasailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021 kung kaya’t inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget department na maghanap ng pondo para sa ayuda ng mga residente.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nagpapahanap na ng pondo ang Pangulo para sa ayuda na posibleng kapareho rin nang ibinibigay sa iba pang lugar na nasa ECQ katulad ng Iloilo, Iloilo City, Gingoog City at Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Roque na P1,000 sa bawat miyembro ng pamilya ang ibibigay, pero limitado sa apat na miyembro lamang.
Tiniyak na rin aniya ni Budget Secretary Wendel Avisado na maghahanap sila ng pondo para sa ayuda.
“Now, ang hinihingi ko lang talaga ay kumpirmasyon, pero nakausap ko naman po si Secretary Wendel Avisado at ang sabi niya sa akin, hahanapan at hahanapan natin iyan, dahil ang Presidente hindi pumapayag na mag-ECQ na walang ayuda sa mga mamamayan,” ani Roque.
- Latest