^

Police Metro

Higit 6.3 milyong kumpleto-bakunado kontra COVID-19

Mer Layson - Pang-masa
Higit 6.3 milyong kumpleto-bakunado kontra COVID-19
Kahit na umuulan ay matiyagang pumipila ang mga tao sa vaccination hub sa University of Sto. Tomas, España, Maynila para sa kanilang first dose vaccine kontra COVID-19.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mahigit anim na mil­yon ang nakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ito ang sinabi ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon at sa huling datos, 17,515,376 na ang nakatanggap ng unang dose habang 6,311,060 sa ikalawang dose.

“Napakalaking bagay po nito lalung-lalo na sa nakikita nating pa­ngamba sa Delta variant, alam naman natin lahat ng eksperto sinasabi kung ikaw ay bakunado, mas maliit ang tsansang ikaw ay malubhang magkakasakit o maoospital dahil sa Delta variant,” ani Dizon sa ceremonial vaccination sa Subic Bay Freeport Zone.

“Ang maganda pa nung nakaraang linggo, nagtala tayo ng pinakamataas natin na daily jab rate na halos 500,000. Umabot po tayo ng 472,000 at malapit na malapit na ito sa target natin. Bumabagyo pa nun,” lahad pa ng opisyal.

Siniguro rin ni Dizon na handa ang bansa sa posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Sa huling tala, 119 na ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa matapos makapagtala ng 55 pang dagdag-kaso kung saan 103 sa mga ito ay gumaling na habang 12 ang aktibong kaso at apat ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with