Pulis na nangikil ng aplikante inaresto
MANILA, Philippines — Isang pulis ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) sa entrapment operation sa tapat mismo ng Camp Crame sa Quezon City.
Kinilala ni PNP IMEG-Director Police BGen Flynn Dongbo ang suspek na si Police Master Sgt Edmund Olavanio na dinakma sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa complainant sa Col. Boni Serrano Ave, Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.
Base sa mga reklamong natanggap, ginagamit ni Olavanio ang kanyang pwesto sa Crime Laboratory Group para makapangikil na kung saan nanghihingi umano ito ng P6,000 para sa mga aplikante sa pagkapulis na gustong mapasama sa final list ng mga bagong pulis na manunumpa sa July 30, 2021.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng IMEG ang pulis at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
- Latest