^

Police Metro

Globe nabigyan ng 1,451 permit sa cell sites

Philstar.com

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,451 permit para makapagpatayo ng mga cell sites ang naibigay sa Globe ng mga lokal na pamahalaan sa unang anim na buwan ng 2021.

Ayon kay Joel Agustin, Globe SVP for Program Delivery, Network Technical Group na malaki ang tulong ng Bayanihan 2 law para mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng permits na siyang kailangan para mas gumanda at tumatag ang serbisyo ng telekomunikasyon lalo na sa mga lugar na kulang ang serbisyo.

Dati anya ay napakalaking hamon ang pagkuha ng mga permit pero ngayon, mas maraming lokal na pamahalaan na ang nakakaunawa na mas mapapabuti nila ang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan kung mayroong connectivity.

Nakakuha ng pinakamaraming permit ang Globe sa Hilagang Luzon na may kabuuan na 395, habang 314 naman sa Visayas at 312 sa Metro Manila kasama ang Rizal.

Ang Metro Manila, Cebu, Nueva Ecija, Pangasinan at Bulacan ang nangungunang limang lalawigan na may pinakamaraming permit na naibigay sa kumpanya habang 14 na iba pa ang nagbigay ng hindi bababa sa 20 permit.

vuukle comment

GLOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with