^

Police Metro

Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta Variant — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang pagsang-ayon ng Department of Health (DOH) sa opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.

Sa kabila ng mga pangamba na hindi makaka­yanan ng ‘health system’ ng Pilipinas ang panibagong surge kagaya ng nangyayari sa Indonesia, tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maiwasan ito at inihahanda ang lahat ng pagamutan sa posibilidad na pagkalat ng variant.

“We understand the fear and anxiety of our kababayan regarding the Delta variant. Rest assured that the government is doing its best to prepare our healthcare system for a possible surge, regardless of community qua­rantine classification,” ayon pa sa opisyal.

Kailangan umanong magtulungan ang nasyunal at lokal na pamahalaan para mapalakas ang healthcare system sa pamamagitan ng pagtiyak na sapat ang COVID-19 beds, ICU at TTMF bed capacity, gamot at oxygen tanks at mga healthcare workers.

Kailangan din ng pagtulong ng publiko sa simpleng paraan ng pagpraktis sa ‘minimum public health standard’ at boluntaryong pagpapabakuna.

vuukle comment

DELTA VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with