^

Police Metro

COVID-19 cases sa NCR posibleng umabot sa 10K kada araw

Danilo Garcia - Pang-masa

Sa pagpasok ng Delta variant…

MANILA, Philippines — Inaasahan ng OCTA Research Group na posibleng umabot sa 10,000 COVID-19 cases ang maitatala kada araw sa Metro Manila.

Ito ay nang lalo pang sumirit ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila na naitala sa 1.15 na indikasyon ng pagkakaroon ng patuloy na transmisyon ng virus.

Ipinaliwanag ni OCTA Research Fellow Prof. Guido David na ang reproduction number ang siyang nagsasabi kung gaano kabilis ang hawaan ng virus sa isang lugar.

“Kapag more than one, ibig sabihin mas mabilis na siya... bumibilis siya. ‘Pag less than one, it means bumabagal siya,” ayon kay David.

Isa umano sa dahilan nito ay ang pagpasok na ng Delta variant sa bansa. “Yesterday’s number na 6,000 mataas iyan, we are expecting na more than 8,000. It means na tumataas na ang cases, we might see 10,000 by next week or next, next week,” paalala ni David.

Dahil sa mas mataas na sa 1 ang reproduction number ng Metro Manila, nangangahulugan na nasa ‘high-risk’ na muli ang Kamaynilaan.

Pero, sinabi ni David na wala pang dahilan para maalarma sa ngayon ngunit ito aniya ay major concern dahil isa sa mga lungsod sa Metro Manila ang mataas ang hawaan ng virus.

vuukle comment

DELTA VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with