^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa NCR, tumaas

Angie dela Cruz - Pang-masa
Hawaan ng COVID-19 sa NCR, tumaas
Sa latest monito­ring ng grupo, ang Metro Manila ay may average na 744 bagong kaso ng COVID-19 mula July 14 hanggang July 20 na mas mataas sa average na 629 arawang infection noong July 7 hanggang July 13.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Batay sa ulat ng OCTA Research Group na tumaas ang hawaan ng CO­VID-19 sa Metro Manila ng 1.08 na may reproduction number mula nang mapaulat ang pag-usbong ng Delta va­riant sa bansa.

Sa latest monito­ring ng grupo, ang Metro Manila ay may average na 744  bagong kaso ng COVID-19 mula July 14  hanggang July 20 na mas mataas sa average na 629 arawang infection noong July 7 hanggang July  13.

Sa NCR ay nakapagtala rin ng average daily attack rate (ADAR) na  5.39 cases per 100,000 population, ICU utilization na  42%, at positivity rate na 6%.

Binigyang diin ng OCTA na bagama’t may pagtaas ng infection sa MM ay hindi naman dapat maalarma ang publiko dahil wala pang sapat na batayan hanggang sa ngayon kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng hawahan.

Tinukoy rin ng OCTA bilang high risk ang Davao City, Cebu City, Iloilo City, Bacolod, Makati, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio, Taguig, Laoag, at Mari­veles dahil sa mataas na ADAR, ICU utilization o positivity rates.

Mataas rin naman ang ICU utilization rate sa Iloilo City na nasa 99% at ng Taguig na nasa 92%.

High-risk areas din ang Bacolod, Cagayan de Oro, General Santos, Baguio at Laoag dahil sa‘very high’ positivity rate. - Danilo Garcia

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with