^

Police Metro

Sen. De Lima muling tatakbo sa Senado sa 2022

Gemma Garcia - Pang-masa
Sen. De Lima muling tatakbo sa Senado sa 2022
a pahayag, sinabi ni De Lima na pinalakas ng panggigipit ni Duterte ang kanyang kalooban upang muling ipaglaban ang kanyang adbokasiya hinggil sa inaaping-pulitikal.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senador Leila De Lima na itutuloy niya ang laban sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng mu­ling pagtakbo sa 2022 Senatorial and national elections.

Sa pahayag, sinabi ni De Lima na pinalakas ng panggigipit ni Duterte ang kanyang kalooban upang muling ipaglaban ang kanyang adbokasiya hinggil sa inaaping-pulitikal.

Ayon kay De Lima, pinatingkad ng kanyang pagkakakulong na magsumikap at magtrabaho nang mahusay upang labanan ang kawalan ng katarungan at ipagtanggol ang karapatang pantao anuman ang mangayari, kaya siya muling tatakbo bilang senador.

Kahit na nakakulong ng halos limang taon ay  nakapagsampa si De lima ng 500 panukalang batas at mga resolusyon, at nakakapag-akda at naisabatas ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, and the National Commission for Senior Citizens Act.

“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban,” lahad pa nito.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with