^

Police Metro

Maagang pangangampanya ireklamo sa Comelec

Joy Cantos - Pang-masa
Maagang pangangampanya ireklamo sa Comelec
Ito ang naging pahayag ni political analyst na si Mon Casiple dahil madaling makalulusot sa alegasyong early campaigning lalo at election season na kaya’t kung nais na mapigilan ang ganitong isyu ay mainam na maghain ng reklamo sa Comelec upang ito ay maaksyunan.
Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines — Walang mangyayari ang mga puna ni Manila Mayor Isko Moreno sa pag-iikot ni Davao City Mayor Sara Duterte sa iba’t ibang lalawigan kung hindi niya ito ire­reklamo sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ang naging pahayag ni political analyst na si Mon Casiple dahil madaling makalulusot sa alegasyong early campaigning lalo at election season na kaya’t kung nais na mapigilan ang ganitong isyu ay mainam na maghain ng reklamo sa Comelec upang ito ay maaksyunan.

“Kung walang gagawin at walang reklamo sa Comelec o sa DILG masasabi nating wala ring silbi ang ganitong mga pagpuna ni Mayor Isko at ng mga kritiko”paliwanag ni Casiple.

Matatandaan na nagpasaring si Mayor Isko sa mga pulitiko na nag-iikot sa mga lalawigan na kailangang kailangan ang kanilang presensya sa kanilang mga siyudad para tutukan ang COVID-19 response lalo at hindi pa naman panahon ng eleksyon.

Si Mayor Sara ay nakatanggap ng mga pagbabatikos dahil sa timing ng kanyang pagbisita kamakailan sa Cebu at Zambaoaga City gayundin ang pakikipagpulong niya kay dating Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng nangunguna pa rin ang Davao City sa mga lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) na may mataas na COVID-19 cases.

Nagbigay naman ng payo si Casiple sa mga nag-iikot na pulitiko na sila ang magtiyak na kanilang sinusunud ang itinatakdang health protocols para na rin sa kaligtasan ng mga botante.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with