^

Police Metro

#BrigadangAyala, nagbigay ng livelihood training sa Cagayan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang komunidad sa Cagayan ang binigyan ng livelihood training  bilang tulong ng #BrigadaAyala ng Ayala Group para sa mga pamil­yang naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo noong nakaraang taon. 

Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills and Livelihood Authority (TESDA), bumuo ang Ayala Foundation at AC Energy ng disaster resiliency livelihood program na naglalayong magbigay ng libreng training para sa 300 na inang pina­dapa ng bagyong Ulysses.

Lilinangin ng programa ang cookery, baking, at pastry skills ng inisyal na 50 na ina mula sa bayan ng Lal-lo at Buguey, Cagayan at ang natitirang 250 naman ay isasailalim rin sa samu’t saring training hanggang matapos ang taon. Pangangasiwaan ng TESDA ang bawat training, sa ilalim ng kanilang Mobile Training Program sa mga bayan ng Amulung, Solana, Enrile, Baggao, at Alcala.

Isa ang Bagyong Ulysses sa mga pinakamapinsalang bagyo na dumating sa ating bansa, partikular sa Northern Luzon. Nagdulot ito ng mahigit P20.3 billion halaga ng pinsala dahil na rin sa malakas at walang tigil na pagbabaha, kung saan maraming gusali at kabahayan ang nalubog sa tubig.

Ani, Sec. Isidro Lapeña, Director General of Tesda, “Tesda is truly grateful to the entire Ayala group of companies as we work together to provide the needed assistance to calamity-affected communities and help them rebuild their lives through employment and livelihood opportunities.”

vuukle comment

LIVELIHOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with