^

Police Metro

212 bagong cell site naitayo ng Globe sa NCR

Philstar.com

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga hamon na dala ng qua­rantine restrictions at mga protokol na pangkalusugan ay nagawa ng Globe na makapagtayo ng 212  bagong cell site sa Metro Manila para sa unang anim na buwan ng taong 2021.

Napananatili ng kompanya ang momentum sa pagbuo ng kinakaila­ngang imprastraktura ng ICT para mapabuti ang mga serbisyo sa mobile at internet at patuloy nitong naaabot ang tinatarget na dami ng cell site para sa kasalukuyang taon.

Ayon kay Joel Agustin, Globe SVP para sa Program Delivery, Network Technical Group na ang pagsisikap ng Globe na maraming naita­yong mga cell tower ay umaasang makakatulong na makapagbigay ng mas magandang karanasan sa mobile para sa mga customer dahil ang connectivity ay isang mahalagang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang mga cell site ay tiyak na makapagbibigay ng magandang serbisyo hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Cebu, Bulacan at Pampanga.

Idinagdag pa ni Agustin na nagpapatuloy rin ang mga kahalintulad na aktibidad sa mas maraming lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

vuukle comment

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with