^

Police Metro

Mister minartilyo at sinaksak ng mag-utol

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 40-anyos na mister matapos pagtulungang hatawin ng martilyo at pagsasaksakin ng kanyang kainuman na magkapatid sa Sitio Guwaan, Brgy. Pawa. Masbate City, Masbate, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Romel Aspira Fundal, may-asawa habang tinutugis na ng mga pulis ang magkapatid na suspek na kinilalang sina Ernesto Tugbo Antipolo, 42; at Gener, 52, pawang residente ng Purok-7 ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-12:50 ng tanghali ay nakitang nag-iinuman ang biktima at mga suspek.

Gayunman, nang ma­lasing ang mga ito ay nagkaroon nang pagtatalo at dito ay hina­wakan ni Ernesto ang mga kamay ni Fundal habang kumuha naman ng martilyo at patalim si Gener.

Dahil sa mahigpit na pagkakahawak ay hindi nakakilos nang hatawin ng martilyo at pagsasaksakin ni Gener ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agaran nitong ikinamatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with