^

Police Metro

Mag-utol na Abu Sayyaf member, timbog sa Taguig City

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang magkapatid na umano’y mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang salakayin ang kanilang bahay sa Upper Bicutan, Taguig City noong Sabado ng alas-10:50 ng gabi.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Taupik Galbun, alyas Pa Wahid, 40-anyos, may-asawa at nakatira sa Block 124 Lot 9 Phase 8, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod; at kapatid nitong si Saik Galbun, alyas Pa Tanda.

Si Taupik ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa anim na bilang ng kasong kidnapping at se­rious illegal detention with ransom na nakasampa sa sala ni Judge Toribio Ilao Jr. ng Pasig Regional Trial Court Branch 266 at isa pang hiwalay na warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal Detention with ransom na nakasampa rin sa Pasig-RTC.

Sangkot din si Taupik sa pagpugot sa ulo nina  Primitivo Falcansantos, Crisanto Suela at Guil­lermo Sobero. Pagdukot sa tatlong guro sa Landang Gua Elementary School, Sacol Island, Zamboanga City noong Enero 23, 2009.

Bukod dito ay sangkot din sa pagkidnap sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses noong Agosto 20, 2002 na kung saan dalawa sa mga dinukot ay pinugutan nila ng ulo habang ang apat na natira ay nailigtas ng Phi­lippine military matapos ang dalawang linggong operasyon.

Si Saik naman ay kinilala ng isa sa mga biktima ng kidnapping sa Nangka, Patikul, Sulu noong Setyembre 6, 2002 kaya’t inaresto rin ng mga pulis at nang iberipika ay may warrant of arrest din pala ito sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom sa sala ni Judge Nicanor Manalo Jr, ng Pasig RTC Branch 161.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with