^

Police Metro

Cebu City drug ops: P30.6 milyong cocaine nasamsam, 2 drug trafficker todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang umano’y drug traffic­ker matapos kumasa sa anti-drug operation ng pulisya at nasamsaman ng may P30.6 milyong halaga ng cocaine sa Cebu City noong Huwebes ng gabi.

Iniulat ni PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG)-7 director P/Brig. Gen. Remus Medina ang dalawang napatay na suspect ay nakilala sa mga alyas na “Kerlou” at “Ryan” na nanlaban sa operating team sa Brgy. Mambaling, Cebu City dakong alas-8:30 ng gabi.

Nasamsam sa operas­yon ang 4.5 kilo ng cocaine na umaabot sa nasabing halaga, isang cal. 45 pistol na puno ng mga bala, isang AR9 rifle at kulay pulang Toyota Vios na ginagamit ng mga suspect sa transaksyon ng droga.

 Bunsod nito, inutos na ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na matukoy ang sindikatong na likod ng malaking supply ng droga na kinaaniban ng dalawang napatay na drug trafficker sa Cebu City.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with