DFA nagbabala vs visa entry exemption scams
MANILA, Philippines — Dahil sa mga ulat na may mga foreign nationals na nagiging target ng scam, pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga banyaga na nais pumasok ng Pilipinas laban sa mga grupong nag-aalok ng exemption mula sa kasalukuyang suspensiyon nang pagbibigay ng visa.
Ayon sa DFA, hindi nangongolekta ang kagawaran ng anumang bayad para sa entry exemption document (EED) applicants, maliban sa visa fee na binabayaran sa Philippine Embassy o Phl Consulate sa ibang bansa.
Giit ng DFA, walang koneksiyon ang kagawaran sa mga nasabing indibiduwal at dapat silang i-report sa [email protected].
Inihayag din ng DFA na lahat ng request para sa entry exemptions ay beniberipika at iniendorso ng national government agencies at tinitingnan ang urgency at pangangailangan na magbiyahe sa Pilipinas. Hindi rin naglalabas ng sponsorship o invitation letters ang kagawaran.
- Latest