Bulkang Taal,muling nagkaroon ng phreatomagmatic burst
MANILA, Philippines — Inihayag ng Phivolcs na nag-alburoto muli ang Bulkang Taal nang makapagtala ng limang mahihinang phreatomagmatic burst sa main crater ng bulkan.
Dakong alas-5:18 ng umaga nang unang nakapagtala ng phreatomagmatic burst na tumagal ng halos isang minuto at nasundan alas-8:47 ng umaga na tumagal ng pitong minuto at naglabas ng 300 meters na taas ng plume.
Ang ikatlo ay alas-9:15 ng umaga at ang ikaapat ay alas- 9:26 ng umaga na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto.
Habang ang ikalima naman ay alas-11:56 ng umaga at naitala ang 200 metro na kulay itim na plume o usok matapos makunan ng main crater IP Camera ng ahensya.
- Latest