^

Police Metro

Full investigation sa C-130 crash, iniutos 52 na ang patay

Doris Franche - Pang-masa
Full investigation sa C-130 crash, iniutos 52 na ang patay
Ang kautusan ni Lorenzana ay matapos na marekober ang lahat ng 96 sakay ng bumagsak na C-130 noong Linggo ng umaga sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu kaya’t itinigil na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang search and retrieval operations.
Handout / Joint Task Force-Sulu / AFP

MANILA, Philippines — Iniutos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang “full investigation” sa naganap na pagbagsak ng C-130 military aircraft na ikinasawi ng 52 katao na kinabibilangan ng 49 sundalo at 3 na sibil­yan habang 47 ang sugatan mula sa 96 na sundalong sakay ng eroplano.

Ang kautusan ni Lorenzana ay matapos na marekober ang lahat ng 96 sakay ng bumagsak na C-130 noong Linggo ng umaga sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu kaya’t itinigil na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang search and retrieval operations.

Sinabi naman ni Major Gen. Edgard Arevalo, AFP spokesperson na hinahanap pa ng mga militar ang flight data recorder ng bumagsak na C-130 military plane.

Ayon naman kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services na sa tamang panahon ay dapat imbestigahan ang pagbagsak ng naturang eroplano para hindi na maulit at para matukoy ang mas maayos na kagamitan para mapanatili ang kagamitan ng mga sundalo.

Iginiit din ni Poe na ang nasabing insidente ay paalala sa sakripisyo ng magigiting na sundalo na nagsisilbi sa bansa.

Maging si Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, Chairman ng House Committee on National Defense and Security, ay nais paimbestigahan ang pagbagsak ng C-130 plane na malaki ang epekto sa kakayahan at moral ng hukbong sandatahan ng bansa lalo pa’t dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas ay bumagsak din ang bagong biling Black Hawk helicopter na ikinamatay naman ng 6 na officers at crew ng aircraft. - Gemma Garcia, Joy Cantos

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with