^

Police Metro

Ayuda sa mga apektado ng Taal eruption inihahanda na ng ACT-CIS

Mer Layson - Pang-masa
Ayuda sa mga apektado ng Taal eruption inihahanda na ng ACT-CIS
“Of course ang pana­langin nating lahat ay huwag matuloy ang pagsabog ng Taal. Pero kung sasabog man ito, nakahanda na ang mga food packs and other assistance na kakaila­nganin ng mga kababayan natin sa Cavite and Batangas,” wika ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap.
Ed Jones/AFP

MANILA, Philippines — Kung sakaling tuluyan nang sumabog ang Taal Volcano ay handa na ang ACT-CIS Partylist para bigyan ng ayuda ang libu-libong residente na maaapektuhan anumang araw ngayon.

“Of course ang pana­langin nating lahat ay huwag matuloy ang pagsabog ng Taal. Pero kung sasabog man ito, nakahanda na ang mga food packs and other assistance na kakaila­nganin ng mga kababayan natin sa Cavite and Batangas,” wika ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Ayon pa kay Yap na makikipag-ugnayan sila sa DSWD at LGUs ng Cavite at Batangas para ma-pinpoint ang mga critical areas na kailangan na kailangan ang tulong sakaling sumabog nang tuluyan  ang Taal.

Todo-bantay din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte na maghanda na bago pa sumabog ang bulkan.

Nagsagawa na rin ng mga preemptive evacuation ang ilang bayan sa Batangas na tiyak na maapektuhan ng pagsabog.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with