^

Police Metro

Magtiyuhin patay sa away sa lupa

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa namatay noon din ang isang 15-anyos na dalagita at kanyang tiyuhin nang sila ay pagbabarilin ng kanilang kaanak dahil sa away sa lupang sinasaka, naganap kamakalawa sa Brgy. Javalera, General Trias, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing magtiyuhin na sina Roberto Alcaraz, nasa hustong galang at pamangkin nito na si Yumiko, 15-anyos. kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-10:00 ng umaga sa loob ng bahay ng magtiyuhin ay dumating ang suspek na si Alfredo Alcaraz Javier, kamag-anak ng mga biktima at kinompronta nito si Roberto, na siya ang may-ari ng lupang sinasaka ng huli at binabawi na nito.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at kumuha ng maiksing baril at pinagbabaril si Alcaraz.

Nagkataon namang lumabas si Yumiko, at maging siya ay pinagbabaril din.

Nang mapatay ng suspek ang magtiyuhin ay mabilis itong tumakas na agad din naaresto sa isi­nagawang follow-up operation sa Brgy. Pa­nungyanan at narekober ang baril na ginamit sa krimen.  

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with