^

Police Metro

Kompanyang nagpasahod ng barya, ipinasara

Doris Franche - Pang-masa
Kompanyang nagpasahod ng barya, ipinasara
Sa isinagawang mee­ting kahapon, humarap si Nexgreen Enterprise owner na si Jasper Cheng So kay Gatchalian at ang nagrereklamong si Russel Mañoza na nag-viral matapos pasahurin ng P1,056 na binubuo ng 5 at 10 sentimo.
Valenzuela City Public Information Office/Released

MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang business permit ng Nexgreen Enterprises na nagpapasahod ng barya sa kanyang empleyado.

Sa isinagawang mee­ting kahapon, humarap si Nexgreen Enterprise owner na si Jasper  Cheng So kay Gatchalian at ang nagrereklamong si Russel  Mañoza na nag-viral matapos pasahurin ng P1,056 na binubuo ng 5 at 10 sentimo.

Lumitaw din na hindi binabayaran ni So ng tama ang kanyang mga emple­yado na batay sa computation ng Valenzue­la City dapat na bayaran ni So si Mañoza ng hala-gang P55,649.93 para sa  underpayment at hindi pagbabayad ng overtime at holiday pay. Wala rin umanong coverage ang mga empleyado sa Social Security System, Pag-Ibig at PhilHealth. 

Sinabi ni Gatchalian na may circular ang Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan nakasaad na kapag sentimos ang ibabayad ay hanggang P100 lang ang pinakamalaking pwedeng abutin at kapag P1 naman ay hanggang 1,000 lamang ang limitasyon.

Ayon kay Gatcha­lian, posibleng hindi lamang si Mañoza ang dumanas ng pang-aapi sa Nexgreen na pinatotohanan ito ni Mañoza sa pagsasabing maraming empleyado ang umalis at hindi na lamang naghain ng reklamo.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with