^

Police Metro

3 drug pusher todas sa buy-bust ops

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang drug pusher ang nasawi sa magkahiwalay na drug-bust operation sa Bulacan at Cotabato City.

Sa Bocaue, Bulacan kinilala ang dalawang nasawing suspek na sina Roderick San Pedro, 36, vendor at Hesus San Roque, 43, kapwa naninirahan sa Brgy. Lolomboy ng nasabing bayan.

Napatay ang dala­wang suspek, alas-5:00 ng umaga nang ito umano ay nanlaban sa buy-bust operation matapos matunugan na ang katransaksyon sa bentahan ng droga ay mga pulis at nasamsam sa mga ito ang 15 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng walong gramo, isang Cal. 38 revolver at buy-bust money.

Napatay naman sa Barangay Poblacion 6, Cotabato City, kamakalawa ang suspek na si Ahmad Abdulatip, nang ito rin umano ay magtangkang manlaban sa mga pulis.

Nakuha mula sa suspek ang 15 gramo ng shabu nagkakahalaga ng higit P102,000 at isang .38 caliber revolver. - Rhoderick Beñez

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with