^

Police Metro

Sunog sumiklab sa Quezon City: 100 pamilya nawalan ng tahanan

Mer Layson - Pang-masa
Sunog sumiklab sa Quezon City: 100 pamilya nawalan ng tahanan
Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:44 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa isang tatlong palapag na tahanan sa 55 Road 7, Brgy. Project 6, at pagmamay-ari ng isang Ma. Theresita Sastre, 49.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa may 30 kabahayan sa Quezon City kahapon ng hapon.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:44 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa isang tatlong palapag na tahanan sa 55 Road 7, Brgy. Project 6, at pagmamay-ari ng isang Ma. Theresita Sastre, 49.

Nagsimula umano ang sunog sa stock room sa ikalawang palapag na inookupa ng pamilya Sastre at mabilis na kumalat sa mga kalapit na bahay na pawang gawa sa mahihinang materyales.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-2:09 ng hapon at fireout ng alas-3:16 ng hapon.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa humigit kumulang na P100,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na inaalam pa ang naging sanhi.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with