COVID-19 saliva testing ng Red Cross, isasama na sa national tally
MANILA, Philippines — Isasama na ng Department of Health (DOH) sa national tally ng coronavirus disease (COVID-19) cases ang mga nagpositibo sa saliva test ng Philippine Red Cross (PRC).
Ito ang sinabi ni PRC consultant Dr. Michael Tee makaraang mag-abiso na sa kanila ang DOH ukol dito para mas epektibong makita ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa.
Umabot na sa 365,000 saliva tests ang naisagawa ng PRC mula nitong Enero matapos aprubahan.
Ani Tee na maaaring gamitin ang saliva test sa mga lugar na kakaunti ang molecular laboratory kaya’t mapapataas na umano ang testing sa mga lalawigan na napag-iiwanan dahilan ng pagtaas ng kaso sa labas ng NCR.
- Latest