^

Police Metro

Higit 12 milyong pinoy nananatiling jobless — SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 12.2 milyong Pinoy ang nananatiling jobless o walang trabaho sa nagdaang buwan ng Mayo 2021, batay sa pinakuling survey ng Social Weather Station (SWS)

Gayunman, ang naturang bilang umano ng mga jobless noong Mayo ay mas mababa kung ikukumpara noong Nobyembre 2020 survey.

Ayon sa SWS, ang  adult joblessness rate  noong Abril 28 hanggang Mayo 2 ay pumalo sa 25.8 por­syento ng labor force. Ito ay mas mababa kung ikukum­para sa ginawang survey noong Nobyembre 2020 na nasa 27.3 porsyento o 12.7 milyong Pinoy ang jobless dulot ng pan­demya.

 Ang jobless ay nakapaloob sa boluntaryong pag-alis sa trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon at pagkawala ng trabaho dahil sa epekto ng pandemic.

Ayon sa SWS ang  job­less­ness ay bumaba sa Ba­lance Luzon na mula  32.7% noong Nob­yembre 2020 ay na­ging 24.2% nitong Mayo 2021.  Bumaba rin sa Metro Manila na mula 37.8% noong Nob. 2020 ay naging 30.8%  noong  Mayo 2021.

Tumaas ang mga job­less sa Visayas na mula 19.1% noong Nob. 2020 ay naging 28.7%  noong Mayo 2021. Tumaas din sa Minda­nao na mula 17.0% noong Nob 2020 ay naging 23%  noong  Mayo 2021.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with