7 bansa bawal pa rin pumasok sa Pinas
MANILA, Philippines — Upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30 ay muling pinalawig ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban sa pitong bansa.
Ito ang sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.
Hindi naman sakop nito ang mga ‘transiting passengers’ o iyong gagawing ‘stop-over’ lamang ang Pilipinas at hindi naman lalabas ng mga paliparan.
Patuloy pa rin naman ang restriksyon sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista maliban na lamang kung may awtorisasyon buhat sa Department of Foreign Affairs (DFA).
- Latest