^

Police Metro

AFP duda sa pangako ng NPA na magbabayad ng danyos sa pamilya ng napatay sa Masbate blast

Doris Franche - Pang-masa
AFP duda sa pangako ng NPA na magbabayad ng danyos sa pamilya ng napatay sa Masbate blast
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Ed­gard Arevalo, marami nang kaparehong krimen na ginawa ang NPA sa nakalipas na panahon, pero walang tinupad sa kanilang mga ipinangako sa mga naging biktima.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinagdududahan ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang sinseridad ng New People’s Army (NPA) hinggil sa pangako na magbayad ng danyos sa pamil­ya ng mga biktima ng kani­lang pagpapasabog ng landmine sa Masbate City noong Hunyo 6 na nagresulta sa pagkamatay ni FEU Varsity player Kieth Absalon at pinsan na si Nolven Absalon, at pagkasugat ng isa pang kamag-anak na menor de edad.

Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Ed­gard Arevalo, marami nang kaparehong krimen na ginawa ang NPA sa nakalipas na panahon, pero walang tinupad sa kanilang mga ipinangako sa mga naging biktima.

Anya, kung totoong babayaran ng NPA ang kanilang mga biktima sa pagkakataong ito, dapat bayaran din nila ang lahat ng mga naunang biktima ng kanilang karahasan.

Maraming pamilya ng kanilang mga biktima ang patuloy na nangungulila sa ginawang karahasan ng NPA.

vuukle comment

AFP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with