^

Police Metro

Lalaking wanted sa kasong murder nanlaban sa pulis, napatay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 46-anyos na lalaki matapos mabaril ng pulis na tinangka nitong agawan ng baril matapos na siya ay arestuhin sa pagwawala naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Alfredo Nunez, 46, ng Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente, alas-9:00 ng gabi ay tumawag ang ilang residente sa pulisya dahil umano sa nagwawala at nagpapa­putok ng baril si Nunez.

Nagkataon na naroon malapit sa lugar si PSSgt Aldin Saligo ng anti-carnapping unit at nang rumes­ponde para arestuhin si Nunez ay binaril siya at masuwerteng hindi tinamaan.

Tumakas si Nunez ka­ya’t hinabol siya ni Saligo at nang maabutan ay ina­resto ito, subalit nanlaban umano at tinangka umanong agawin ang baril ng una kaya’t nagkarooon nang pambubuno at aksidenteng pumutok at tinamaan ang suspek.

Nabatid na si Nunez ay may warrant sa mga kasong murder at may nakabinbin ding kasong rape at robbery laban sa kaniya.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with