^

Police Metro

Pagbibigay ng sahod sa SK isinulong sa Kamara

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinutulak ngayon ni Albay 2ndDistrict Rep. Joey Sarte Salceda na maipasa agad ng Kongreso ang inakda niyang HB 1667 o Sangguniang Kabataan (SK) Compensation Act.

Ikinatuwa ni Salceda, ang chairman ng House Ways and Means Committee, na inaprubahan na sa ‘second reading’ kamakailan ng Senado ang sariling bersyon nito ng panukala kung saan nakapaloob, hindi lamang ang pagpapasahod sa mga halal na opisyal ng SK kundi pati ang pagbibigay sa kanila ang ‘civil service eligibility’ na layunin din ng nauna niyang panukalang HB 1030.

Sa ilalim ng HB 1667 ni Salceda na aamyenda sa RA 10742, ang  Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, panukalang pasahurin ang SK Kagawad katumbas ng kalahati ng buwanang pasahod sa Barangay kagawad na umaabot sa P6,250, depende sa antas ng pana­nalapi ng barangay.

“Dahil sa gaga­wing institusyunal na ang pasahod, kailangan ding ga­wing maliwanag kung ano ang aasahan natin sa SK”, wika ni Salceda.

vuukle comment

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with