Hotel quarantine daragdagan ng pulis
Ilang OFWs tumatakas…
MANILA, Philippines — Magpapadala ng karagdagang pulis ang Philippine National Police (PNP) sa mga hotel quarantine facility sa Metro Manila upang bantayan ang mga naka-quarantine matapos ang mga ulat na tumatakas ang ilang overseas Filipino workers (OFWs).
“The PCG requested for additional augmentation because they are having difficulty securing and supervising various hotels where the returning OFWs are housed. Based on their report, there are also violations of minimum public safety health safety. Some of them are even escaping,” ani Lt. Gen. Israel Dickson, PNP deputy chief for operations at concurrent commander of the Joint Task Force COVID Shield.
“So we really need more personnel there to guard them,” dagdag ni Dickson.
Nasa 200 accredited hotels ang binabantayan ng Philippine Coast Guard kaya kulang din ang kanilang mga tauhan.
Ayon sa alituntunin ng gobyerno, ang mga nagbabalik-bansang OFW ay kailangang direktang dalhin sa isang hotel quarantine facilities mula sa paliparan upang mag-quarantine.
Maghihintay ang mga ito ng lima hanggang sa pitong araw upang sumailalim sa swab test at makalalabas lamang kung negatibo ang resulta ng COVID test.
- Latest