^

Police Metro

Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba sa 30%

Ludy Bermudo - Pang-masa
Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba sa 30%
Sa ulat ng OCTA nitong Mayo 9, lumalabas na nagkaroon lamang ng 0.67 reproduction number at 14 percent positivity rate ang Metro Manila. Ang average daily attack rate (ADAR) naman sa kabuuan ng NCR ay bumaba rin sa 11.91 sa kada 100,000.(April 27, 2021)
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng OCTA Research Group na bumaba na sa 30 porsyento ang naitatala kada-araw na bagong kaso ng CO­VID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.

Ayon sa OCTA Research, mula Mayo 9 hanggang Mayo 14, nasa average lamang na 1,644 ang mga bagong kaso kada araw.

Ang reproduction number o hawaan naman ng secondary infections mula sa solong kaso (single case) sa National Capital Region (NCR) ay bumagsak din sa 0.57 habang ang positivity rate ay bumaba sa 12 por­syento.

Sa ulat ng OCTA nitong Mayo 9, lumalabas na nagkaroon lamang ng 0.67 reproduction number at 14 percent positivity rate ang Metro Manila. Ang average daily attack rate (ADAR) naman sa kabuuan ng NCR ay bumaba rin sa 11.91 sa kada 100,000.

 Ang pinakama­babang ADAR ay na­irekord sa Navotas, Malabon, Manila, at Caloocan na may mababa sa 10 kada 100,000, kaya’t nailagay na sa “moderate risk” ang mga nabanggit na lugar.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with